Close Menu
Philstar Tech
    • Deals
    • Contact Us
    • About Us
    Philstar Tech
    • Home
    • All Post
    • News
      • Features
    • Tech @Life
    • Reviews
      • Fitness
      • Laptops
      • Mobility
      • Smartphones
      • Wearables
    • Opinion
    Philstar Tech
    Home » ‘Fake news’ ba ‘yang binabasa mo?
    Opinion

    ‘Fake news’ ba ‘yang binabasa mo?

    Dawn SolanoBy Dawn SolanoMarch 18, 2025Updated:March 18, 20254 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Sa gitna ng mga mahahalagang isyu tulad ng International Criminal Court (ICC) trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, mas dumami ang kumakalat na maling impormasyon.

    Dahil dito, mahalagang matutunan kung paano suriin ang mga balitang ating nababasa upang maiwasan ang panlilinlang at hindi tayo madaling mabiktima ng disimpormasyon.

    Pero, una sa lahat, kailangan natin ilista ang mga rason kung bakit kumakalat ang pekeng balita:

    Isa na rito ang social media algorithms. Mas pinapakita ng Facebook, TikTok, at iba pang social media platforms ang mga post na maraming reactions at shares, kaya madalas na mas kumakalat ang pekeng balita kaysa sa totoong impormasyon.

    Pangalawang rason ang mga politikal na propaganda. May mga grupo o indibidwal na gumagamit ng pekeng balita upang linisin ang pangalan ng isang pulitiko o siraan ang kanilang kalaban.

    Maliban dito, marami ring mga pages o channels na gumagawa ng clickbait content para makakuha ng maraming views at kumita sa ads.

    Pero higit sa lahat, ang kakulangan sa media literacy ng karamihan sa online sphere.– Maraming tao ang hindi nagbe-verify ng impormasyon bago ito ibahagi, kaya mabilis itong lumalaganap.

    So, paano ba masisigurado na totoo ang binabasa mong impormasyon online? Naglista rin ang PhilSTAR Tech ng mga tanong na pwede mong tanungin sa sarili mo. 

    1. “Mula ba ito sa isang kilala at pinagkakatiwalaang news outlet?”

    Sa Pilipinas, maraming mga news outlet na pwedeng pagkatiwalaan dahil dumadaan sa masinsinang pag-veverify ang mga impormasyon na binabalita nila. 

    1. “Makatotohanan ba ang URL?”

    Tignang maigi ang URL. May mga pekeng sites na binabago lang ng kaunti ang URL ng totoong site (halimbawa: philstar.co sa halip na philstar.com).

    1. “Makatotohanan ba ang larawan o video?”

    Suriin ang litrato o video bago ito ibahagi sa iba. Laganap ang deepfake ngayon, dahil sa maling paggamit ng AI technology. 

    Kung AI-generated ang imahe, madalas nagkakamali ito sa mga maliliit na detalye tulad ng kamay, mga daliri, at iba pang facial features.

    Kung AI-generated ang video, pakinggan maigi ang tono ng nagsasalita. Maaaring peke ang video kapag tunog robot o walang emosyon ang nagsasalita. Minsan, hindi rin tugma ang galaw ng bibig sa mga sinasabi ng nagsasalita. Iilan lamang ito sa mga detalye na nagsasabing maaaring AI-generated ang video na pinapanood mo. 

    1. “Maaari bang may bias ang page o profile na nagbabagi ng impormasyon?”

    Tingnan ang profile ng nagbahagi ng impormasyon. Kung ang isang Facebook o Twitter account ay bago lang, walang malinaw na profile picture, o kakaunti lang ang posts, posibleng ito ay troll account. 

    Maliban dito, tingnan din ang engagement ng post. Ang pekeng balita ay madalas may maraming shares pero halos walang factual discussion sa comments. 

    Higit sa lahat, basahin ang buong balita o impormasyon, hindi lang ang headline. Matutong intindihin ang kabuoan ng balita upang maiwasan na sumang-ayon agad sa mga misleading headlines na hindi naman sinusuportahan ng nilalaman ng artikulo.

    1. “Maaari bang may sarili akong bias na nagdulot sa akin na maghanap ng mga impormasyon na tugma lamang sa aking paniniwala?”

      Minsan, mas madaling maniwala sa impormasyon na umaayon sa ating paniniwala. Ang pag-iisip na ganito ay maaaring magdulot ito ng masama kaysa mabuti, kung hindi naisagawa nang tama.

      Paano ito maiiwasan? Una, maging bukas sa iba’t ibang pananaw. Hindi porket sumasang-ayon ka sa impormasyon ay ito na ang tama o katotohanan. 

      Pangalawa, alamin ang ebidensya ng impormasyon na nakalap. Kung walang mahanap, maaaring opinyon o hinuha lamang ang nabasang impormasyon.

      Pangatlo, kung hindi ka sigurado sa nabasa mong impormasyon, huwag itong i-share. Mabuting gumawa ng sariling pananaliksik bago ibahagi ang impormasyon o balita online.  

    Ano na ngayon?

    Bilang karagdagan sa iyong pananaliksik, maaaring gumamit ng mga fact-checker tools na available online. Meron tayong mga tools tulad Google Fact Check Explorer, VERA Files, FactRakers,  AFP Fact Check, at iba pa.

    Sa dami ng impormasyon sa digital age, responsibilidad nating tiyaking tama at totoo ang ating binabasa at ibinabahagi. 

    Sa pamamagitan ng pagiging mapanuri, paggamit ng fact-checking tools, at pag-iwas sa bias, makakatulong ka sa paglaban sa disimpormasyon.

    Sa susunod na makakita ka ng balita na mukhang kahina-hinala, tandaan: huwag basta maniwala. Matutong manaliksik, magtanong, at sumuri. 

    AFP Fact Check Duterte Facebook FactRakers Fake news Google Fact Check Explorer ICC International Criminal court TikTok VERA Files
    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Dawn Solano

    Content Producer for PhilSTAR Tech

    Related Posts

    Let the digital bulls run: How tech can finally wake up our capital markets

    January 9, 2026

    Why connectivity is no longer a luxury—it’s the new face of bayanihan

    January 9, 2026

    When law students turn to Reddit for advice

    January 7, 2026

    Most Popular

    Stephen Cheng’s winning playbook

    December 22, 20253 Mins Read

    The top 10 coolest new tech we spotted at Samsung’s The First Look @ CES 2026

    January 5, 20263 Mins Read

    NVIDIA unveils better upscaling and frame generation with DLSS 4.5

    January 7, 20263 Mins Read

    Here’s where you can officially buy the Nintendo Switch 2 in the Philippines (with 2 years warranty perks to match)

    July 8, 20253 Mins Read

    realme returns under Oppo in BBK brand consolidation

    January 8, 20261 Min Read

    Acer Academy and De La Salle-College of St. Benilde partner to empower deaf students through technology

    January 7, 20262 Mins Read

    Latest

    HONOR X9d review: beyond the durability hype, a new standard in “midrange” capability

    By Jayvee FernandezJanuary 9, 20265 Mins Read

    Let the digital bulls run: How tech can finally wake up our capital markets

    By Henry Rhoel AgudaJanuary 9, 20263 Mins Read

    Why connectivity is no longer a luxury—it’s the new face of bayanihan

    By Henry Rhoel AgudaJanuary 9, 20263 Mins Read

    Samsung’s open ecosystem makes AI belong in your life

    By Vianca GamboaJanuary 8, 20265 Mins Read

    realme returns under Oppo in BBK brand consolidation

    By Dawn SolanoJanuary 8, 20261 Min Read

    NVIDIA unveils better upscaling and frame generation with DLSS 4.5

    By Jianzen DeananeasJanuary 7, 20263 Mins Read
    Copyright © 2026 Philstar Tech | Powered by The Philippine STAR

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.