Ang PLDT, SMART, at Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) ay nagsama para bigyang access sa technology ang mga magsasaka para makatulong sa kanilang pamumuhay.
Ang tawag sa programang ito ay Digital Farmers Program at dahil dito nalaunch nila ang FarmTech, na isang training kit para sa mga magsasaka upang tumulong sa kanilang digital literacy.
Ang unang nakakuha ng FarmTech packages ay ang Myriad Farms ng Guimba, Nueva Ecija at Samahan ng mga Pangulo ng mga magsasaka ng Morong, Rizal.
Ang bawat FarmTech package ay may kasamang tablet, sampung smartphone, isang Smart Bro Pocket Wifi, Smart Prepaid Load Cards, outdoor projector at projector screen, isang rechargeable sound system, at isang flash drive na may lamang learning materials.
Layunin ng project na ito na matulungan ang mga farmers matuto sa bagong teknolohiya para maboost ang mga posibleng livelihood opportunities nila.