Ang Starbooks ay short for Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated KioskS
Na-launch ang Starbooks noong June 24, 2011. Madami itong mga sites sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Pero noong pandemic, siyempre mahirap na iaccess itong mga physical sites kaya gumawa sila ng online portal para ma-access ang mga libro sa safety ng bahay ng mga estudyante. Ito ay nagbibigay ng resources para sa Grades 1 to 12 na estudyante at kanilang mga titser.
Sa tulong ng DOST-STII, nakagawa din sila ng madaming mobile applications para mas maging accessible ito sa lahat!
Sa kasalukuyan, 7,531 Starbooks site ang makikita sa buong bansa at ang mga ito ay makikita sa 82 provinces sa 17 regions ng Pilipinas.
Paano nga ba nakakakuha ng budget ang Starbooks?
Ang Starbooks ay nakakakuha ng funding mula sa Department of Budget and Management at may mga partner na rin sila mula sa mga public and private entities na naniniwala sa mission at vision ng Starbooks.
Mula 2017 hanggang 2023, nakakuha nga ang Starbooks ng 20 million pesos na total na donasyon mula sa mga private and public institutions.
Gusto mo pa malaman ang tungkol sa Starbooks? Idownload na ang app nila sa Android o kaya puntahan niyo yung website nila sa portal.starbooks.ph